Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Negros Occidental kaninang 5:17 a.m.
Ayon sa Phivolcs, natunton ang epicenter ng pagyanig sa layong 143 kilometro timog-kanluran ng Sipalay City.
May lalim ito 30 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na aftershocks at pinsala sa ari-arian bunsod ng lindol.