Ipinasusupinde ng Office of the Ombudsman ng isang taon ang vice mayor ng Escalante City, Negros Occidental na si Santiago Maravillas dahil sa kasong ‘abuse of authority’.
Napag- alamang guilty sa reklamo si Maravillas kasunod ng pag terminate nito sa mga contractual employees na sina Florencio Lauron, heavy equipment operator 2 at Francisca Pabuaya, administrative aide i2, na hindi rin pinasahod noong 2016.
Lumalabas na labis ang paggamit ni Maravillas sa kanyang posisyon matapos nitong labagin ang Presidential Decree no. 807 at Executive Order no. 292 na hindi pwedeng sibakin sa trabaho ang isang pampublikong empleyado maliban na lamang kung ipinag-utos ng batas.