Pinasisibak sa pwesto ng Ombudsman si Negros Oriental Governor Roel Degamo matapos mahatulang guilty sa kasong grave misconduct.
Ito ay kaugnay sa umano’y maanomalyang paggamit nito sa intelligence budget ng probinsya noong 2013 na nagkakahalaga ng sampung milyong Piso.
Batay sa imbestigasyon ng Ombudsman, ipina-cash advance ni Degamo at ipinamamadaling irelease ang naturang pondo bilang pambayad umano sa mga nagastos ng aktibidad ng intelligence operations.
Ngunit ayon sa Commission on Audit Regional Office. Walang tiyak na pagkakagastusan ang nasabing cash advance dahil si Degamo rin ang mismong tumanggap nito.
Dahil dito napatunayang lumabag ang Gobernador sa Local Government at Government Auditing Code kung saan di pwedeng maglabas ng pera ang local treasury kung wala itong kaakibat na paglalaanan.