Inaasahang mawawalan ng suplay ng kuryente ang Negros Oriental ngayong araw ng linggo, August 11.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, aabot sa 12 oras ang itatagal ng pagkawala ng kuryente sa lalawigan.
Base sa abiso ng NGCP, ganap na ala 6:00 ngayong umaga magsisimula ang power interruption at magtatagal hanggang ala 6:00 ng gabi mamaya.
Ayon sa ahensya, kailangan nilang magsagawa ng maintenance repair sa bahagi ng Mabinay Substation.
Kabilang sa mga maaapektuhan ay ang mga consumers ng Noreco I (sa Tadlong Substation) at Noreco II, sa Bayawan at Banaba Substations.
Dagdag pa ng NGCP, magkakaroon din ng power interruption sa Cagayan De Oro City at Bukidnon ngayong ala 6:00ng umaga na magtatagal naman ng hanggang 30 minuto.