Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bahagi ng Negros Oriental ganap na 1:21 a.m. kaninang madaling araw, Nobyembre 18.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 9 kilometro hilagang-kanluran bayan ng Luzurriaga.
May lalim itong 4 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala naman ang instrumental Intnesity III sa Sibulan, Negros Oriental.
Wala namang inaasahang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.