Ipinaliwanag ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr. Ang kaniyang mga rason hinggil sa kaniyang inihaing panukalang-batas na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport at gawing Ferdinand E. Marcos International Airport.
Ayon kay Teves, walang bahid ng pulitika ang kaniyang ginawa at nais lamang niyang mabigyan ng pagkilala si dating pangulong Marcos Sr. sa pagpapaganda ng nasabing paliparan.
Sinabi ni Arnolfo na walang bisa ang EDSA people power dahil sa pagkapanalo ni PBBM sa nagdaang halalan.
Iginiit din ni Teves na hindi sila magkaalyado ni PBBM at gusto lamang daw niyang ipa-realize sa taumbayan kung gaano kagaling sa pamumuno si Marcos, Sr.
Dagdag pa ni Teves, ayos din kung ibabalik sa Manila International Airport ang pangalan ng paliparan.