Sisipa sa Football Association of Singapore (FAS) tri-nation series si Philippine Azkals Goalkeeper, Neil Etheridge at ang National Men’s Soccer Team sa Marso a-23 hanggang a-29 sa Singapore.
Tatapatan ng Azkals sa unang International Tournament Outing ngayong taon, ang Malaysia sa March 23, habang makakasagupa naman ng team ang Host City State sa March 29.
Parte ang kumpetisyon sa paghahanda ng PH-11 para sa Asian Football Confederation Asian Cup China 2023 qualifiers na nakatakda sa Hunyo sa Mongolia.
Nabatid na kasama sa 25-man line up ng Azkals sa tri-nation sina Veteran Stephan Schrock, Patrick Strauss, Manuel Ott, Patrick Reichelt, Bienvenido Maranon, Justin Baas at iba pa. - sa panulat ni Mara Valle