Nagsilang na ang entrepreneur at dating aktres na si Neri Naig ng kanilang ikalawang anak ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda.
Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Miranda ang larawan ng kanilang baby boy na si Manuel Alfonso Miranda, a.k.a. Cash.
Sina Naig at Miranda ay ikinasal noong Disyembre 2014 habang isinilang naman ang kanilang panganay na si Alfonso, III noong Nobyembre 2016.