Pinaaresto sa Cebu City ang aktres na si Neri Naig at isang empleyado ng ABS-CBN kaugnay sa kasong libelo.
Noon pang Enero 13 ipinalabas ni Cebu City Regional Trial Court Branch 5 Judge Ricky Jones Macabaya ang warrant of arrest kina Naig at Star Magic Road Manager Danilyn Nunga subalit hanggang kahapon ay hindi pa naglalagak ng P10,000 piyansa ang dalawa.
Kinasuhan sina Naig at Nunga noong isang taon makaraan nilang ilabas sa Instagram ang larawan nina Clarence Taguiam at Donna Marie Go na inakusahan nila na mga pekeng nagbebenta ng kamera.
Ngunit itinanggi nina Taguiam at Go ang nasabing akusasyon.
Sinampahan ng libelo sina Nunga at Naig dahil ipinost ni Nunga noong Abril 30 na nakapagbayad na siya ng P7,500 kina Taguiam at Go pero hindi niya umano nakuha ang biniling Go Pro Hero 3 action camera.
At ni-repost naman iyon ni Naig.
By Avee Devierte