Kinubra ni Pinay Boxer Nesthy Petecio ang una niyang panalo upang umabante sa round of 16 sa 2020 Tokyo Olympics.
Tinalo ni Petecio si Marcelat Sakobi Matshu ng Democratic Republic of Congo sa score na 5 – 0 sa opening round ng Women’s Featherweight Division sa Tokyo, Japan kanina.
Isa si Petecio sa apat na Filipino Boxer na naghahangad na makasungkit ng gintong medalya sa Olympics.
Ang Pinay Boxer ay 3-time silver medalist sa Southeast Asian Games, bago sumikwat ng gold noong 2019. —sa panulat ni Drew Nacino