Bumaba ng walong puntos ang net satisfaction rating ng administrasyong Duterte sa ikatlong bahagi ng 2018.
Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa isang libo’t dalawang mga respondents noong Setyembre 15 hanggang 23.
Ayon sa SWS survey, 65 porsyento ng mga Filipino ang nagsabing nasisiyahan sa pamamalakad ng pamahalaan, 19 na porsyento naman ang undecided habang 15 porsyento ang nagsabing hindi sila nasisiyahan.
Dahil dito bumaba sa positive 50 ang net satisfation rating ang administrasyong Duterte, mas mababa kumpara sa poitive 58 na nakuha nito sa survey noong Hunyo.
Kapuna-puna naman ang malaking pagbaba sa rating ng administrasyong Duterte sa mga respondents mula sa Visayas sa 14 na puntos at Mindanao na siyam na puntos.
Gayundin sa mga nagmula sa class ABC na 34 na puntos at class E sa 13 puntos na pagbaba.