Bumaba ang net satisfaction rating ng Korte Suprema.
Ayon sa survey ng SWS o Social Weather Stations, bumagsak sa positive 20 mula sa positive 37 ang net satisfaction rating ng High Tribunal.
Katumbas ito ng moderate rating at pinakamababang rating ng Korte Suprema sa nakalipas na anim na taon.
Nakapagtala nang pagbaba ng puntos ang Korte Suprema sa lahat ng lugar sa bansa tulad ng 11 points na ibinaba sa Metro Manila, 17 points sa Luzon at Visayas at 21 points sa Mindanao.
Isinagawa ang nasabing survey mula March 23 hanggang 27 o panahon nang pagtalakay sa impeachment complaint laban kay on leave Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Samantala, bumaba rin ang satisfaction rating ng Senado na mula positive 56 noong December 2017 ay naging positive 46 na lamang nitong March 2018 gayundin ang Kamara na bumaba ng walong puntos ang ratings na nasa positive 35 na lamang.