Muling umakyat sa “very good” ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa third quarter ng taong kasalukuyan.
Ito ang lumitaw sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS na isinagawa mula Setyembre 15 hanggang 23.
Ayon sa survey, 70 porsiyento ng adult Filipinos ay kuntento sa performance ng pangulo.
Mas mataas ito ng limang puntos kumpara sa gross satisfaction rating ng presidente noong Hunyo na 65 porsiyento.
Gayunman, 83 porsiyento sa mga natanong sa survey ang nagsabi na bastos ang Pangulong Duterte nang tawagin nitong istupido ang Diyos habang 14 porsiyento ang nagsabing hindi.