Tumaas ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo sa ikatlong bahagi ng 2019.
Batay sa resulta ng survey ng SWS o Social Weather Station, 56 porsyento ang satisfied o kuntento habang 23 porsyento naman ang dissatisfied sa trabaho ni Robredo.
Dahil dito, nasa positive 33 ang net satisfaction rating ni Robredo at maituturing na good classification.
Samantala, nananatili naman si Senate President Vicente Sotto III sa very good classification sa nakuhang positive 61 na net satisfaction rating.
72 porsyento naman ang satisfied o kuntento sa trabaho ni Sotto habang 11 porsyento naman ang dissatisfied.
Nakuha naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang good classification sa positive 49 na net satisfaction rating.
64 na porsyento sa mga respondent ang nagsabing kuntento sila sa mga nagagawa ni Cayetano sa Kamara habang 14 percent naman ang dissatisfied.
Nanatili naman sa moderate ang net staisfaction rating ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa positive 16.
35 porsyento ang satisfied o kuntento sa trabaho ni Bersamin at 19 na porsyento ang dissatisfied.
Isinagawa ang survey sa 1,800 Filipino adults sa pamamagitan ng face to face interview mula September 27-30.