Bahagyang bumaba subalit nananatiling “good” ang net satisfaction ratings ni Vice President Leni Robredo sa unang quarter ng taon.
Batay sa Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong March 23 hanggang 27 sa 1,200 respondents, bumulusok sa positive 34 ang ratings ni Robredo, noong Enero hanggang Marso kumpara sa positive 42 noong December 2017.
Lumagpak naman sa positive 41 ang ratings ni Senate President Koko Pimentel noong unang quarter kumpara sa positive 49 noong Disyembre.
Nakakuha naman ng pinaka-mababang ratings sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at House Speaker Pantaleon Alvarez.
Lumagpak sa negative 7 ang net satisfaction ratings ni Sereno kumpara sa positive 21, noong isang taon habang bumagsak sa positive 1 ang ratings ni Alvarez kumpara sa positive 14.