Bahagyang nakabawi ang net satisfaction ratings ni Vice President Jejomar Binay sa ikalawang bahagi ng taon.
Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Stations o SWS na inilathala sa pahayagang Business World.
Ginawa ang survey mula Hunyo 5 hanggang 8 kung saan, nakakuha ng positive 42 net ratings ang Pangalawang Pangulo.
Mas mataas ito ng 11 puntos kumpara sa positive 35 net satisfaction ratings na nakuha ni Binay noong Marso ngunit lubhang mababa pa rin ito sa record high na positive 67 noong Hunyo ng isang taon.
Bukod kay Binay, tumaas din ang net satisfaction ratings ng senado habang bumaba naman ang sa Supreme Court gayundin sa buong gabinete ng Pangulong Noynoy Aquino.
By Jaymark Dagala