Tumaas ng labing limang (15) puntos ang satisfactory rating ni Vice President Leni Robredo sa unang tatlong (3) buwan ng 2019.
Batay ito sa resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan umakyat sa good o positive 42 ang net satisfaction rating ni Robredo ngayong Marso kumpara sa moderate o plus 27 noong Disyembre ng 2018.
Ayon sa SWS, nakapag-ambag sa overall net satisfaction rating ni Robredo ang pagtaas sa dalawampu’t anim (26) na puntos na nakuha nitong rating mula sa Luzon, labing pitong (17) puntos sa Visayas, dalawang (2) puntos sa Mindanao at bagama’t bumaba ng dalawang (2) puntos sa Metro Manila.
Samantala, wala namang naging pagbabago sa satisfactory rating nina Senate President Tito Sotto, House Speaker Gloria Arroyo at Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.