Ikinatuwa ng mga netizen ang post ng aktres na si Valeen Montenegro sa kaniyang IG account matapos ipasilip ang kaniyang one piece swimsuit kung saan, naglagay siya ng lumot sa kaniyang kili-kili
Isinusulong kasi ni Valeen ang pagiging positibo sa katawan upang bigyan ng paalala ang bawat isa na hindi dapat ginagawang “big-deal” ang pagkakaroon ng “imperfection” sa katawan.
Sinabi ni Valeen na hindi siya naaapektuhan sa mga taong pumupuna sa kaniyang mga kapintasan dahil normal lang ang pagkakaroon ng buhok sa katawan kaya dapat na mahalin ang sariling kutis o balat.
Dagdag pa ni Valeen, “flat is the new normal” kaya masaya siya sa kung anong meron siya at huwag nalang ikumpara ang ating mga sarili sa iba. —sa panulat ni Angelica Doctolero