100% nang operational ang network infrastructure at facilities ng Globe sa mga apektado ng magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao.
Tiniyak ng Globe ang matatag na connectivity sa mga apektadong lugar ..sa gitna na rin nang nakakasang contingency measures tulad ng generator sets at batteries para matiyak na magtutuluy tuloy ang serbisyo ng nangungunang digital solutions platform.
Ipinabatid ni Yoly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe group na wala naman nasirang pasilidad ang Globe matapos ang lindol kaya’t tuluy-tuloy ang kanilang serbisyo lalot batid nilang krusyal ang connectivity sa tuwing may kalamidad kaya’t tinututukan nila ang network resilience.
Mahigpit din aniya ang pakikipag-ugnayan nila sa kanilang partner organizations sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong komunidad sa pamamagitan ng kanilang digital solutions at iba pang interventions.