Sinisilip na ng Philippine National Police o PNP ang mga transaksyong pinasok ng nadakip na dayuhang miyembro ng ISIS.
Ayon kay PNP-National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde, batay sa resulta ng paunang imbestigasyon kay Fehmi Lassoued, pagre-recruit ng mga magiging miyembro ng ISIS ang kanyang tinututukan sa Pilipinas.
Ito aniya ang dahilan kaya’t madalas siya sa Mindanao at marami siyang kakilalang miyembro ng Abu Sayyaf.
“Ang naging misyon niya ay recruitment at nakakapag-transfer siya ng pera, titingnan din natin ang mga naging transaksyon niya lalo sa pera.” Ani Albayalde
Inaalam na rin ng PNP kung paano maluwag na nakapasok sa bansa si Lassoued.
Taong 2016 pa narito sa Pilipinas si Lassoued at nakapasok ito sa pamamagitan ng pekeng pasaporte kung saan nagpakilala siyang Tunisian national.
“Unang-una wala siyang naging kaso sa ibang bansa, although he was denied entry twice sa dalawang bansa pero nakapasok pa rin siya dito sa atin, isa sa Istanbul hindi siya pinapasok doon, dito sa atin nakapasok ‘yun ang tinitignan niya natin kung ano ang naging network niya sa ating bansa.” Pahayag ni Albayalde
(Ratsada Balita Interview)