Hindi na mahihirapan ang mga estudyante, right-handed man o kaliwete sa kanilang mga upuan at pagsusulat habang nasa eskwelahan.
Ito ay matapos na lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na nag-aatas sa lahat ng mga eskuwelahan na magkaroon ng neutral desks o mga armchairs para sa mga right-handed at left handed na mga mag-aaral.
Layon ng Republic Act Number 11394 o Mandatory Provision of Neutral Desks in Educational Institutions Act ang maisulong ang pantay na pag-unlad ng lahat ng mga etudyante.
Sa ilalim ng nabanggit na batas, kinakailangang magkaroon ng mga neutral desk ang lahat ng mga paaralan na katumbas ng sampung porsyento ng populasyon ng kanilang mga estudyante sa isang taon.
Pagpirma ni Pangulong Duterte sa ‘Neutral Desk Law’, ikinalugod ng DepEd
Ikinalugod ng DepEd o Department of Education ang ganap ng pagsasabatas sa Mandatory Provision of Neutral Desks in Educational Institutions Act.
Ayon sa DepEd, malaki ang maitutulong ng neutral desk law sa limang taon na nilang programa para sa pagpapalit ng mga furniture o kagamitan sa mga pampublikong paaralan.
Sa kasalukuyan, naglalaan ang DepEd ng dalawang left handed armchairs sa bawat 45 set ng armchairsa sa bawat silid aralan.
Dagdag ng DepEd, kanila ring isinagawa ang one table – two chair set up sa ilang mga eskwelahan na hindi lamang angkop sa lahat ng mga estudyante kundi nakakahikayat din sa pakikipag-ugnayan ng mga magkaka-klase.