Niyanig ng malakas na lindol ang Nevada, USA.
Ayon sa US Geological Survey naitala ang magnitude 6.4 na lindol sa Nevada, madaling araw na Biyernes sa Nevada at 7:03p.m kagabi, oras sa Pilipinas.
Kalaunan ay ibinaba ng USGS sa 6.2 ang magnitude ng nasabing lindol.
Naitala ang sentro ng lindol sa 110 milya ng Gardnerville Ranchos sa Nevada.
Wala namang napaulat na pinsala ng nasabing lindol.