Nagsanib-pwersa na ang Department of Education at Commission on higher education sa paglikha ng isang joint policy na naglalaman ng mas pinagandang experiential, developmental at competency-aligned learning.
Layunin nitong makapaghanda para sa mga bagong breed ng mga gurong sasanayin sa pagharap sa mga hamon at pagbabago sa sektor ng edukasyon matapos ang COVID-19 pandemic upang matiyak at mapanatili ang kalidad ng pagtuturo.
Ayon kay DepEd secretary Leonor Briones, nakipagtulungan na sila sa CHED, sa pamamagitan ng teacher education council secretariat para sa joint policy.
Ito, anya, ay upang masigurong “experiential” ang field study at teaching internships na magagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang “new normal learning modalities alinsunod sa most essential learning competencies ng DepEd.—mula sa panulat ni Drew Nacino