Niyanig ng Magnitude 7 na lindol ang Tadine, New Caledonia Region.
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), may lalim itong 10 kilometers o 6.21 miles.
Unang iniulat ng USGS na 6.7 ang lakas ng lindol ngunit kalauna’y itinaas ito sa Magnitude 7.
Walang naitalang pinsala o nasaktan kasunod ng naganap na pagyanig.
Samantala, tiniyak naman ng Philippine Institute of Volcanology And Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas.