Posibleng pumalo sa 600 bagong kaso ng Covid-19 ang maitatala ngayong Christmas season.
Ito’y ayon sa OCTA research matapos makapagtala ng mahigit 800 kaso noong makaraang araw.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, umabot sa 10.4% ang nationwide positivity rate o nagpositibo sa virus.
Sa nakalipas na dalawang linggo, may pinakamataas pa rin na bilang ng may sakit ang National Capital Region na may 5,003.
Kasabay nito, bumaba pa sa 16,489 ang aktibong kaso sa bansa. –sa panulat ni Jenn Patrolla