Bumagsak sa 2, 618 ang naitalang bagong nahawa sa COVID-19 sa Pilipinas kahapon.
Batay sa datos ng DOH, pinakamababa ito sa nakalipas na dalawang linggo, kung saan limang sunod na araw lumagpas sa 4K ang COVID-19 new cases.
Bumaba rin sa 36, 666 ang active cases sa bansa kumpara sa 37, 942 noong Lunes.
Nakagpatala naman ang DOH ng 3, 865 bagong gumaling sa COVID-19, dahilan para umakyat sa 3, 713, 242 ang recoveries.
Samantala, sumampa sa 60, 864 ang COVID-19 deaths matapos madagdagan ng 27 kahapon.
Ang nationwide COVID-19 tally naman sa Pilipinas ay 3, 810, 772.