Muling itinuring na ‘most polluted capital’ o pinakamapolusyon na lugar ang capital ng India na New Delhi ayon sa IQAir, isang Swiss group na sumusukat sa kalidad ng hangin na maaaring makasira sa baga ng tao na tinatawag na PM2.5.
Ito na ang ikatlong beses na binansagang pinakamapolusyong lugar sa buong mundo ang New Delhi sa loob ng isang taon noong 2020.
Batay sa ulat ng IQAir’s 2020 World Air Quality, 106 na bansa ang dumaan sa kanilang pagsusuri at 35 na syudad sa India ang napabilang sa 50 most polluted cities.
Lumabas sa pagsusuri ng IQAir noong 2020, tinatayang 84.1 ang average annual concentration ng PM2.5 sa cubic meter ng hangin ng New Delhi, ito ay doble sa lebel ng PM2.5 sa Beijing na nasa 37.5.
Magugunitang ang air pollution o ang polusyon sa hangin ay isa sa pangunahing dahilan ng premature deaths sa New Delhi na tinatayang aabot sa 54,000 noong 2020 ayon sa Greenpeace SouthEast Asia Analysis and IQAir.—sa panulat ni Agustina Nolasco