Pormal nang binuksan ng Globe ang bagong next generation store nito sa Glorietta 3, Makati City.
Ang pagbubukas ng bagong Globe store ay bilang pagbibigay ng bagong era ng retail sa kanilang customers sa gitna na rin nang pagtatakda ng bagong gold standard sa OMNI channel retail formats at sustainable design.
Ang tinaguriang innovative shop kung saan priority ang customers ay nagpapakita ng commitment ng mobile leader sa pag-revolutionize ng phygital experience na pagsasama ng offline at online worlds.
Kabilang sa masisilayan sa bagong next generation store ng Globe ang interactive product demos, community engagement space, self service zone at transaction hub gayundin ang itinuturing na standout features nitong service hub at social learning platform na pawang nagpalakas pa sa posisyon ng globe bilang market leader na nag a alok ng unique at immersive experience.
Binigyang-diin ni Cleo Santos, Head ng Channel Management Group ng Globe na hindi lamang retail store ang bagong Globe store kundi isang magandang lugar para makagawa ng memorable experiences para na rin mahimok, ma empower at ma-connect ang kanilang customers at ibigay sa mga ito ang mga serbisyong sadyang makapagpapaganda ng kanilang buhay.
Tinawag namang game changer ni Mic Coson, Head ng Retail Design and Portfolio Growth ang mga bagong design sa nasabing Globe store at tanging ang conveniences lamang para sa kanilang customers ang priority ng mobile leader.
Ayon kay Jonathan Cummings, APAC President ng Landor & Fitch, pinakamalaking branding and design specialist group na katuwang ng Globe sa retail experience kinikilala ng Globe ang papel nito bilang nangungunang telecommunications company sa Pilipinas sa pagsusulong ng digital advancement ng bansa.
Ipinabatid ni Apolline Picot, Executive Creative Director of Experience na sa temang “Turning point” Umiikot ang dewsign at experience concept ng Globe store kung saan sa kada twist at turn aniya ay oportunidad na makapagbigay ng inspirasyon at maipakita sa cuastomers ang mga bagong discoveries.