Asahan na ang pagkakaroon ng ‘new modes of learning’.
Ito ang tiniyak ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa oras na matuloy ang pagbubukas ng mga kurso at klase ng ahensya sa susunod na buwan.
Ayon kay TESDA Secretary Isidro Lapeña, kabilang sa mga ipatutupad nila ay ang ‘flexible modes of learning’ tulad ng face-to-face, online, pinaghalong face-to-face at online, distance learning, at kumbinasyon ng distance at face-to-face learning.
Nilinaw naman ni Lapeña na magkakaroon lamang ng physical classes sa mga lugar kung saan ito pinapayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Aniya, kung kailangan talaga ang presensya ng estudyante, mahigpit na ipatutupad ang isang metrong physical distancing sa workshop areas.