Magkakasa ng ‘new normal’ ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kapakanan at proteksyon ng mga manggagawa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sa paggunita ng araw ng paggawa ngayong Mayo 1, magpapalabas sila kasama ng Department of Trade and Industry (DTI) ng point guidelines para sa proteksyon ng mga empleyado sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid ni Bello na mayruon na silang pina-plantsang post-COVID recovery plan para sa paglikha ng panibagong 1-milyong trabaho sa mga probinsya sa mga susunod na buwan.
Kasama aniya sa package ang pagsagot sa tatlong buwang suweldo ng mga manggagawa sa miscro and small scale enterprises.
Inihayag pa ni Bello na ang plano ay nakatuon sa konseptong Balik Probinsya program kaya’t paiigtingin pa nila ang Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) worker’s program sa susunod na tatlong buwan para magkaruon ng trabaho ang mga sasailalim sa programa.