Planong isulong sa senado ni Senador Manny Pacquiao ang panukalang batas na siyang magsisilbing code of conduct ng mga mamamayan tuwing magkakaroon ng emergency health gaya ng pagkalat ngayon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Pacquiao, sa ilalim ng “New Normal Law”, magtatakda ng standard hygiene at social distancing protocols na dapat sundin para maiwasan ang paglala ng sitwasyon o makahawa pa ng ibang tao.
Sa madaling salita aniya ay magkakaroon na ng patakaran sa pakikisalamuha sa iba pagkatapos ng implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ).
Dagdag ng senador, hanggat wala pang natutuklasang gamot kontra COVID-19, malabo pang makabalik sa normal ang ating pamumuhay.