Pansamantalang inalis ng pamahalaan ang klasipkasyon na “new normal” sa mga ipinatutupad na quarantine protocols sa buong pilipinas.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque, isang araw matapos ang naging pulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ayon kay Roque, wala munang “new normal” kung saan nangangahulugang lahat ng mga lugar sa Pilipinas ay pansamantalang isasailalim sa community quarantine.
Sinabi naman ni Roque na posibleng magbago pa ang nabanggit na pasiya depende sa magiging sitwasyon sa hinaharap.
Mayroong apat na klasipikasyon ng community quarantine ang ipinatutupad sa bansa kabilang ang enhanced community quarantine (ECQ), modified ECQ, general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.
Sa kasalukuyan, tanging cebu city na lamang ang nasa ilalim ng ECQ habang nasa GCQ at MGCQ ang iba pang mga lugar sa bansa.