Ipinatupad na ang new normal visitation sa mga inmates ng ilang jail facilities sa Davao Region.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology, ang “no contact visitation” ay ipinatupad na sa mga inmates ng Tagum City Jail – male at female dormitory Digos City District Jail-male at female dormitories, panabo city district jail, at Montevista district jail.
Sumailalim ang lahat ng bisita sa health safety protocols at searching procedures para iwas sa hawahan ng COVID-19 at masigurong walang naipupuslit na ipinagbabawal na gamit.
Samantala, ang pagdalaw sa mga preso ay naka-schedule depende sa dorm ng mga inmate.–-sa panulat ni Mara Valle