Inanunsyo ng militar na nilabag ng NPA ang idineklara nitong holiday ceasefire.
Ito’y matapos atakihin ng mga NPA ang isang army detachment at tangkaing dukutin ang isang miyembro ng CAFGU noong mismong araw ng Pasko.
Ayon kay 10th ID spokesperson Capt. Jerry Lamosao, tinangkang dukutin ng 30 miyembro ang NPA ang CAFGU active auxiliary member na si Arbilito Catampao sa Tarragona, Davao Oriental, bandang alas-nuwebe ng umaga noong Disyembre 25, pero nakatakas ito.
Bandang alas 7:30 naman ng gabi noon ding Disyembre 25, inatake naman ng mga NPA ang isang army detachment sa Laak, Compostela Valley.
Agad nakaganti ng putok ang mga sundalo makalipas ang dalawang minutong putukan at napaatras ang mga kalabang NPA.
Sa kabila nito, tiniyak ng militar na susunod pa rin sila sa ikalawang bahagi ng kanilang idineklarang tigil putukan na epektibo mula sa darating na Sabado hanggang sa Martes.