Tahasang ikinumpara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa international terrorist group na ISIS o Islamic State of Iraq and Syria ang NPA o New People’s Army.
Kasunod ito ng ginawang pag-atake ng NPA sa tropa ng militar na magdadala sana ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Urduja sa Samar.
Sa kaniyang talumpati sa Kampo Crame, sinabi ng Pangulo na napapagod na siyang makipag-usap sa mga komunista na aniya’y wala nang tinataglay na pananaw o ideyolohiya maliban sa pagpatay at paninira o pagkawasak.
Nakababahala na aniya ang ipinakikitang pag-uugali ng mga rebelde ang naging hakbang na iyon kaya’t wala nang puwang para maipagpatuloy pa ang usapang pangkapayapaan sa pagitan nila at ng pamahalaan.