Sinisigurado ni Pangulong Noynoy Aquino na ang itatalaga niyang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) ay may kapabilidad tumiyak ng seguridad sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Nobyembre at sa darating na halalan sa Mayo.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kailangan handa ang PNP Chief sa mga nabanggit na malaki aniyang pangyayari.
Samantala, nanatili pa ring PNP Officer-in-Charge si Deputy Director General Leonardo Espina.
By Kevyn Reyes