Ikinagalit ng China ang panibagong alok na ng United Kingdom sa mga residente ng Hong Kong kasunod ng crackdown ng China.
Ayon sa Beijing, hindi na nito kikilalanin ang special British passports na ibinigay sa mga residente ng dating colony simula ngayong araw na ito.
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Zhao Lijian na tinatangka ng uk na gawing second class British citizens ang malaking bilang ng mga Hong Kong residents sa pamamagitan ng bno
Ang bno british national overseas ay isang special status na binuo sa ilalim ng British law nuong 1987 para sa mga residente ng Hong Kong para tumira, mag-aral at mag-trabaho sa UK sa loob ng limang taon at maging daan para mag-apply na rin ng citizenship.
Binigyang diin ni British Prime Minister Boris Johnson na ang alok na BNO ay pagtupad lamang ng historic at moral commitment ng UK sa mga taga Hong Kong matapos magpatupad ng mahigpit na bagong security law ang china sa Hong Kong na paglabag aniya sa kasunduan hinggil sa pag-turn over sa colony nuong 1997.