Nagpapasalamat ang grupong New Voice Association of the Philippines sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paglagda nito sa executive order laban sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay New Voice President Emer Rojas, maraming buhay ang masasagip ng naturang kautusan at makatutulong ito upang hindi na madagdagan ang mga katulad nilang nawalan ng boses dahil sa kanser sa lalamunan na dulot ng labis na paninigarilyo.
“Ikinalulugod po namin ito, kami ay nagpapasalamat sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil ito po ay makakasagip pa ng mas maraming buhay.”
Pinayuhan din ni Rojas ang publiko, lalo na ang kabataan na huwag nang subukan ang paninigarilyo dahil ito ay nakakaadik.
Nagsimula aniya siyang manigarilyo noong siya ay labing pitong taong gulang at mula sa isang stick kada araw ay umabot siya sa dalawang kaha kada araw.
“Kaya para sa ating mga kababayan na naninigarilyo iwasan niyo na kung maari totally ay itigil na dahil hindi biro ang magiging epekto nito sa inyo.”
By Katrina Valle
New Voice Assoc. of the PH nagpasalamat kay Pangulong Duterte sa paglagda sa nationwide smoking ban was last modified: May 19th, 2017 by DWIZ 882