Pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Andres Centino ang pagdaraos ng new years call ng Armed Forces of the Philippines(AFP).
Kabilang dito ang Department of National Defense sa AFP Commissioned Officers Country, Military Commanders, Airforces, Navy at iba pang opisyal.
Nabatid na ang new years call ang isa sa pinakamahalagang tradisyon na isinasagawa ng AFP taon-taon.
Nagsilbing oportunidad naman ito sa DND Secretary at AFP Chief of staff na i-highlight ang nagawa ng mga organisasyon. - sa panunulat ni Jenniflor Patrolla