Nagtipon-tipon sa Camp Crame ang pinakamataas hanggang sa pinakamababang opisyal ng Philippine National Police (PNP) suot ang kanilang gala uniform.
Bahagi ito ng tradisyonal na New Year’s Call sa hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas bilang pagpapakita ng pagpupugay at suporta sa liderato ng PNP.
Isinagawa ang New Year’s Call sa Multipurpose Hall ng Camp Crame sa pangunguna ni PNP Chief, Director General Ricardo Marquez.
Kabilang sa mga dumalo ang mga ranking at senior officer ng PNP, mga commander, directorial staff at district directors kasama ang kani-kanilang asawa na naka-pormal rin ng kasuotan.
By Len Aguirre