Naging disaster ang new year’s performance ng superstar singer na si Mariah Carey sa taunang new year’s day celebration sa Times Square sa New York city.
Hindi pa halata ang problema sa audio ni Mariah sa opening number niyang Old Lang Syne ngunit sumabit na nang magsimulang kantahin ang kanyang mga hits na ‘Emotions’ at ‘We Belong Together’.
Ilang beses binaggit ni Mariah ang problema sa kanyang monitor dahil hindi umano nya marinig ang mga kumakantang back–up singers.
Bagama’t makikita ang pagkairita sa kanyang mukha ay naging propesyonal pa rin si mariah para tapusin ang kanyang performance
Naging isports naman si mariah kahit pa naging kaliwa’t kanan ang ginawang pang aasar sa kanya sa social media.
Nakuha pa nga ni Mariah na mag- post ng pagbati sa kanyang twitter account kung saan sinabi pa nyang nangyayari talaga ang mga hindi inaasahang pangyayari.
Humirit pa si Mariah asahan na nang mas marami pang headlines sa 2017.
By Rianne Briones