Hangad naman ni Senadora Leila De Lima na magkaroon pa rin ng liwanag sa gitna ng kadiliman sa pagpasok ng bagong taong 2017.
Sa kaniyang New Year’s message, sinabi ng Senadora na sa kabila ng saya at pag-asang hatid ng bagong taon, marami aniya ang nagluluksa at patuloy na nagdadalamhati.
Kasunod nito, umapela ng panalangin si De Lima para sa mga taong hindi na kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay na hindi na aniya binigyan ng pagkakataon upang magbagong buhay.
Isang malaking hamon aniya sa pagpasok ng taon ang mawala na ang mga kaso ng patayan na kaakibat ng kampaniya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
By: Jaymark Dagala