Pinalawig pa ni New York City Governor Andrew Cuomo ang shutdown o pagsasara ng lungsod hanggang Abril 29.
Ayon kay Cuomo, bagama’t bahagyang bumaba na ang bilang ng nasasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nakalipas na dalawang araw, kinakailangan pa rin aniyang manatiling sarado ng mga paaralan at ilang negosyo sa New York City.
Binigyang diin ni Cuomo na hindi pa panahon para maging maluwag ang pamahalaan.
Kasabay nito inanunsyo ni Cuomo ang pagtaas sa 1,000-dolyar ng ipapataw na multa laban sa mga lumalabag sa kanilang social distancing guidelines mula sa dating 500-dolyar.
Itinituring ang New York City bilang sentro ng pandemic sa Amerika kung saan pumapalo na mahigit 4,700 ang nasasawi dahil sa COVID-19.