Nagbitiw sa kanyang tungkulin si New York governor Andrew Cuomo.
Ito ay matapos ang limang buwang pagsisisayat kung saan nakita na 11 kababaihan ang kanyang hinaras sa sexual na pamaaraan.
Ayon sa nasabing ulat, hinalikan at nagbigay ng mga maaanghang na salita sa mga kababaihan na nagtatrabaho sa pamahalaan itong si Cuomo kaya naman inireklamo siya ng sexual misconduct.
Papalit naman sa kanya si lieutenant governor Kathy Hochul hanggang sa Disyembre 2022. Ito na ang ikalawang pagkakataon na magbibitiw ang isang gobernador sa New York sa loob ng 13 taon ng dahil sa eskandalo.
Nagsilbi bilang gobernador si Coumo ng nasabing lugar simula pa noong 2021.—sa panulat ni Rex Espiritu