Sinibak ng New York Knicks ang head coach na si Derek Fisher.
Nagpasya si Knicks President Phil Jackson na sibakin si Fisher matapos makalasap ang koponan ng 5 sunod na pagkatalo at pang-siyam na pagkatalo sa nagdaang 10 laro.
June 10, 2014 nang kunin ni Jackson si Fisher para maging coach ng New York Knicks matapos mabigong makuha si Steve Kerr na napunta sa Golden State Warriors.
Bagamat nadismaya dahil sa pagkakasibak sa kanya, pinasalamatan ni Fisher si Jackson, Madison Square Garden Chairman James Dolan, gayundin ang kanyang players at staff.
Sa kasalukuyan, nasa pang-12 puwesto ang Knicks sa Eastern Conference.
By Meann Tanbio