Pinadapa ng New York Knicks ang Los Angeles Clippers sa nba sa iskor na 116-93.
Tinambakan ng Knicks ang Clippers sa una, ikalawa at ika-apat na quarter kung saan, nakapagtala ng 24 points, 9 rebounds at 4 assists si Rj Barrett dahilan ng kanilang pagkapanalo.
Nakaambag din sa koponan si Immanuel Quickley matapos makapagtala ng 21 points, 10 rebounds at 6 assists habang nasayang naman ang 16 points ni Amir Coffey ng Clippers.
Abangan naman mamaya ang susunod na laro ng Knicks kung saan, kanilang makakalaban ang Sacramento Kings alas-11:30, oras sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero