Taob sa Orlando Magic ang New York Knicks sa kanilang pagtutuos kaninang umaga sa Amway Arena.
Third quarter na nang tuluyang mag-init ang Magic at simula noon ay ibinaon sa kanilang kalamangan ang kalabang Knicks.
Tinapos ng maGic ang pag-asa ng Knicks sa iskor na 122-99.
Pinangunahan naman ni Nikola Vucevic ang tagumpay ng Oralando matapos itong sumikwat ng 26 na puntos.
—-