Bumangon mula sa 14 point deficit ang New York Knicks upang padapain ang Miami Heat, 124-121 sa pagpapatuloy ng 74th season ng NBA.
94-84 ang score pabor sa Heat nang pumasok ang 4th quarter at nagsimulang bumawi ang Knicks nang maka iskor sila ng sunod-sunod na anim na puntos sa unang 34 na segundo ng 4th quarter.
Sinelyuhan ng free throw ni Taj Gibson ang panalo ng Knicks sa huling 1:38 ng laro.