Nagwagi ang New York Knicks sa NBA kontra San Antonio Spurs sa iskor na 121-109.
Naging tabla ang iskor ng dalawang koponan sa unang quarter pero nagawang makabawi ng Knicks sa ikalawa at ikatlong quarter.
Nanguna sa panalo ng Knicks si small forward-shooting guard Rj Barrett na nakapagtala ng 23 points, 5 rebounds at 2 asissts habang nasayang naman ang 26 points, 6 rebound at 7 assist ni Derrick White para sa spurs.
Abangan naman mamaya ang susunod na laro ng Knicks kung saan kanilang makakaharap ang Indiana Pacers. —sa panulat ni Angelica Doctolero