Pinayuhan ng New Zealand Immigration Advisers Authority (IAA) Ang Mga Pilipinong i-tsek mabuti ang validity ng lisensya ng immigration advisers.
Ito ayon kay IAA Registrar Catherine Albiston ay para ma-payuhan ng mabuti ang mga tao at hindi mauwi sa wala ang pagnanais na makakuha ng visa para sa aplikante at maging sa buong pamilya.
Sinabi ni Albiston na nasa website nila ang mga rehistradong licensed advisers para hindi maloko ang mga Pilipino.
Nilinaw ni Albiston na wala namang requirement para sa New Zealand visa applicants na gumamit ng immigration adviser bagamat makakatulong naman ang mga ito sa pag-alalay.